Pagpasok ko sa bahay madaming bagay ang pumapasok sa isip ko.
Una. Kailangan ko magbihis at magpahinga na.
Pangalawa. Makakapagpahinga ba agad o may dapat pa akong gawin bago maidlip?
Pangatlo. Bukas paggising ko anong meron sa bahay na ito.
Pang-apat. Magtatagal ba ako sa bahay na ito?at marami...Sa malalim na pag-iisip... pumasok sa isip ko, ang bahay na ito? parang buhay ng isang tao.
May malalim na katapat sa pagkatao ng nakatira. Bawat sulok, bawat lugar... may kabuluhan.Ang bahay may iba't ibang lugar. Minsan madalas parating gusto mo umuwi at magpahinga... minsan malimit ayaw mo sa maraming kadahilanan. Makalat? Magulo? Madaming gawain?pero sa huling oras ng araw mo iisipin mo pa rin, sa akin ito... dito ako.
Ang buhay... kasing gulo, kasing dumi ng bahay na binabalik balikan mo araw-araw. Maraming bagay na hindi mo mapaliwanag pero nakikita mo nandyan sya. Masasalubong mo ang ibat ibang bagay na magpapasaya sayo at magpapasakit ng ulo mo... yan ang buhay. Sa pagkakataong pagod ka na sa buhay... isang "Hay" mo lang... mararamdaman mo ang ginhawa sa pakiramdam.
Dumadating ang pagkakataong nagtatanong ka bakit ganito ang buhay ko? Parang pagpasok mo sa bahay mo itatanong mo rin, bakit ganito kagulo ang bahay mo?
Naisip ko lang, sa bahay kaya magulo pagbukas mo ng pinto kasi hindi ka nag-ayos bago ka umalis.Sa buhay, ganito lang din ba? may mga bagay na hindi ka ginawa kaya naging magulo ang buhay mo? Ang pagkakaiba lang siguro... sa bahay, alam mo na pag hindi ka nag-ayos pagbaling mo magulo pa rin. Pero sa buhay maraming bagay na akala mo pagginawa o hindi mo ginawa hindi natin alam kung ano ang mangyayari... minsan iisipin mo tama ang ginawa mo at darating ang oras malalaman mo na may mali.
Isa lang ang mahalaga... Sa buhay man o sa bahay kailangan pagkatapos maging magulo at makalat marunong ka bumalik at ayusin ang lahat ng nagulo. Hindi man singbilis ng kidlat matapos ang lahat... ang mahalaga nasa isip mong ayusin at hindi mo pababayaang mawala na lang ang pagkakataon mong iayos ang lahat.
Ang bahay itrato mong buhay.
Ang buhay itrato mong bahay.
Arcie Austria